19. O kayong nagsisisampalataya! Kayo ay pinagbawalan na inyong manahin (ariin) ang mga babae nang sapilitan[6] at sila ay huwag ninyong pakitunguhan ng may kagaspangan, upang inyong mabawi ang bahagi ng Mahr (dote o handog) na inyong ipinagkaloob sa kanila, maliban na lamang kung sila ay nagkasala ng lantad na kahalayan (pakikiapid). At kayo ay mamuhay sa kanilang piling ng may dangal. At kung sila ay inyong kasuyaan, marahil ay nasusuya kayo sa isang bagay, at si Allah ay maghahatid sa inyo sa pamamagitan nito ng maraming kabutihan.