1- Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
1- Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
2- Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,
3- ang Napakamaawain, ang Maawain,
4- Ang May-ari ng Araw ng Paggantimpala.
5- Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.
6- Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid:
7- ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.