Ang Maluwalhating QUR’AN Ang Kahulugan at Pagpapaliwanag- eduardo

صفحة 1

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ١

1. Sa Ngalan ni Allah[1], ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain.

ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ٢

2. Ang lahat ng kaluwalhatian at pagpupuri ay kay Allah, ang Rabb (Panginoon, Tagapanustos at Tagapagtangkilik) ng lahat ng mga nilalang.

ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ٣

3. Ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain.

مَٰلِكِ يَوۡمِ ٱلدِّينِ٤

4. Ang tanging may Hawak (o Pagpapasya) sa Araw ng Paghatol.

إِيَّاكَ نَعۡبُدُ وَإِيَّاكَ نَسۡتَعِينُ٥

5. Ikaw (po) lamang ang aming sinasamba, at Ikaw (po) lamang ang aming hinihingan ng tulong.

ٱهۡدِنَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ٦

6. Inyong patnubayan kami sa Matuwid na Landas,

صِرَٰطَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِمۡ غَيۡرِ ٱلۡمَغۡضُوبِ عَلَيۡهِمۡ وَلَا ٱلضَّآلِّينَ٧

7. Sa landas ng mga ginawaran Ninyo ng Inyong[2] mga biyaya at hindi sa landas na umaani ng Inyong pagkapoot, gayundin naman ay hindi sa landas ng mga napaligaw sa patnubay.