Ang Maluwalhating QUR’AN Ang Kahulugan at Pagpapaliwanag- eduardo

Add Enterpreta Add Translation

page 599

وَٱلۡعَٰدِيَٰتِ ضَبۡحٗا١

1. Ako (Allah) ay nanunumpa sa mga kabayo na tumatakbo na nangangapos (ang hininga),

فَٱلۡمُورِيَٰتِ قَدۡحٗا٢

2. Na kumikiskis ang tilamsik ng apoy (sa kanilang mga paa),

فَٱلۡمُغِيرَٰتِ صُبۡحٗا٣

3. At gumagalugad sa pagsalakay sa bukang liwayway,

فَأَثَرۡنَ بِهِۦ نَقۡعٗا٤

4. Na nagdulot ng makapal na alikabok sa mga ulap,

فَوَسَطۡنَ بِهِۦ جَمۡعًا٥

5. At nagpupumilit na makapasok sa gitna (ng kaaway);

page 600

إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لِرَبِّهِۦ لَكَنُودٞ٦

6. Katotohanan! Ang tao (na walang pananampalataya) ay walang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang Panginoon;

وَإِنَّهُۥ عَلَىٰ ذَٰلِكَ لَشَهِيدٞ٧

7. At siya mismo ay magiging saksi rito (sa pamamagitan ng kanyang mga gawa);

وَإِنَّهُۥ لِحُبِّ ٱلۡخَيۡرِ لَشَدِيدٌ٨

8. At katotohanang siya ay marubdob sa kanyang pagmamahal sa kayamanan.

۞أَفَلَا يَعۡلَمُ إِذَا بُعۡثِرَ مَا فِي ٱلۡقُبُورِ٩

9. Hindi baga niya batid na kapag ang mga taong nakalibing ay muling bubuhayin.

وَحُصِّلَ مَا فِي ٱلصُّدُورِ١٠

10. At ang lihim ng dibdib (ng mga tao) ay mabubunyag.

إِنَّ رَبَّهُم بِهِمۡ يَوۡمَئِذٖ لَّخَبِيرُۢ١١

11. Katotohanang sa Araw na ito (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), ang kanilang Panginoon ay Lubos na Nakakaalam sa kanilang mga gawa, at Kanyang babayaran sila (ayon sa kanilang mga gawa).