Salin sa Wikang Filipino (Tagalog)-rwwad

صفحة 2

الٓمٓ١

1- Alif. Lām. Mīm.

ذَٰلِكَ ٱلۡكِتَٰبُ لَا رَيۡبَۛ فِيهِۛ هُدٗى لِّلۡمُتَّقِينَ٢

2- Ang Aklat na ito ay walang alinlangan dito, isang patnubay ukol sa mga tagapangilag magkasala,[1]

ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡغَيۡبِ وَيُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ٣

3- na mga sumasampalataya sa Nakalingid, nagpapanatili sa pagdarasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol,

وَٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَ وَبِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ٤

4- na mga sumasampalataya sa pinababa sa iyo at sa pinababa bago mo pa, at sa Kabilang-buhay sila ay nakatitiyak.

أُوْلَـٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدٗى مِّن رَّبِّهِمۡۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ٥

5- Ang mga iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.

صفحة 3

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ ءَأَنذَرۡتَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تُنذِرۡهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ٦

6- Tunay na ang mga tumangging sumampalataya – magkapantay sa kanila nagbabala ka man sa kanila o hindi ka nagbabala sa kanila – ay hindi sumasampalataya.

خَتَمَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَعَلَىٰ سَمۡعِهِمۡۖ وَعَلَىٰٓ أَبۡصَٰرِهِمۡ غِشَٰوَةٞۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ٧

7- Magpapasak si Allāh sa mga puso nila at sa pandinig nila. Sa mga paningin nila ay may pambalot. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan.

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَبِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَمَا هُم بِمُؤۡمِنِينَ٨

8- Mayroon sa mga tao na nagsasabi: "Sumampalataya kami kay Allāh at sa Huling Araw," samantalang hindi sila mga mananampalataya.

يُخَٰدِعُونَ ٱللَّهَ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَمَا يَخۡدَعُونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡ وَمَا يَشۡعُرُونَ٩

9- Nagtatangka silang mandaya kay Allāh at sa mga sumampalataya samantalang hindi sila nandaraya maliban sa mga sarili nila habang hindi nila nararamdaman.

فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ فَزَادَهُمُ ٱللَّهُ مَرَضٗاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمُۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡذِبُونَ١٠

10- Sa mga puso nila ay may karamdaman, at nagdagdag pa sa kanila si Allāh ng karamdaman. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit dahil sila dati ay nagsisinungaling.

وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ لَا تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ قَالُوٓاْ إِنَّمَا نَحۡنُ مُصۡلِحُونَ١١

11- Kapag sinabi sa kanila: "Huwag kayong manggulo sa lupa," nagsasabi sila: "Kami ay mga tagapagsaayos lamang."

أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡمُفۡسِدُونَ وَلَٰكِن لَّا يَشۡعُرُونَ١٢

12- Pansinin, tunay na sila ay ang mga tagagulo subalit hindi sila nakararamdam.

وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ ءَامِنُواْ كَمَآ ءَامَنَ ٱلنَّاسُ قَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ كَمَآ ءَامَنَ ٱلسُّفَهَآءُۗ أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلسُّفَهَآءُ وَلَٰكِن لَّا يَعۡلَمُونَ١٣

13- Kapag sinabi sa kanila: "Sumampalataya kayo kung paanong sumampalataya ang mga tao" ay nagsasabi sila: "Sasampalataya ba kami kung paanong sumampalataya ang mga hunghang?" Pansinin, tunay na sila ay ang mga hunghang subalit hindi nila nalalaman.

وَإِذَا لَقُواْ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَوۡاْ إِلَىٰ شَيَٰطِينِهِمۡ قَالُوٓاْ إِنَّا مَعَكُمۡ إِنَّمَا نَحۡنُ مُسۡتَهۡزِءُونَ١٤

14- Kapag nakipagkita sila sa mga sumampalataya ay nagsasabi sila: "Sumampalataya kami," ngunit kapag nakipagsarilinan sila sa mga demonyo nila ay nagsasabi sila: "Tunay na kami ay kasama sa inyo; kami ay mga nangungutya lamang."

ٱللَّهُ يَسۡتَهۡزِئُ بِهِمۡ وَيَمُدُّهُمۡ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ١٥

15- Si Allāh ay nangungutya sa kanila at nagpapalawig sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila.

أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشۡتَرَوُاْ ٱلضَّلَٰلَةَ بِٱلۡهُدَىٰ فَمَا رَبِحَت تِّجَٰرَتُهُمۡ وَمَا كَانُواْ مُهۡتَدِينَ١٦

16- Ang mga iyon ay ang mga bumili sa kaligawan kapalit ng patnubay kaya hindi tumubo ang kalakalan nila. Hindi sila noon mga napatnubayan.

صفحة 4

مَثَلُهُمۡ كَمَثَلِ ٱلَّذِي ٱسۡتَوۡقَدَ نَارٗا فَلَمَّآ أَضَآءَتۡ مَا حَوۡلَهُۥ ذَهَبَ ٱللَّهُ بِنُورِهِمۡ وَتَرَكَهُمۡ فِي ظُلُمَٰتٖ لَّا يُبۡصِرُونَ١٧

17- Ang paghahalintulad sa kanila ay gaya ng paghahalintulad sa nagpaningas ng apoy, ngunit noong tumanglaw ito sa nasa palibot niya ay nag-alis si Allāh sa liwanag nila at nag-iwan Siya sa kanila sa mga kadiliman habang hindi sila nakakikita.

صُمُّۢ بُكۡمٌ عُمۡيٞ فَهُمۡ لَا يَرۡجِعُونَ١٨

18- Mga bingi na mga pipi na mga bulag, kaya sila ay hindi na bumabalik [mula sa pagkaligaw].

أَوۡ كَصَيِّبٖ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فِيهِ ظُلُمَٰتٞ وَرَعۡدٞ وَبَرۡقٞ يَجۡعَلُونَ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِم مِّنَ ٱلصَّوَٰعِقِ حَذَرَ ٱلۡمَوۡتِۚ وَٱللَّهُ مُحِيطُۢ بِٱلۡكَٰفِرِينَ١٩

19- O gaya ng isang unos mula sa langit, na sa loob nito ay mga kadiliman, kulog, at kidlat. Naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila dahil sa mga lintik, dala ng hilakbot sa kamatayan. Si Allāh ay Tagasaklaw sa mga tagatangging sumampalataya.

يَكَادُ ٱلۡبَرۡقُ يَخۡطَفُ أَبۡصَٰرَهُمۡۖ كُلَّمَآ أَضَآءَ لَهُم مَّشَوۡاْ فِيهِ وَإِذَآ أَظۡلَمَ عَلَيۡهِمۡ قَامُواْۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَذَهَبَ بِسَمۡعِهِمۡ وَأَبۡصَٰرِهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ٢٠

20- Halos ang kidlat ay tumangay sa mga paningin nila. Tuwing tumanglaw ito para sa kanila ay naglalakad sila rito at kapag nagpadilim ito sa ibabaw nila ay tumatayo sila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nag-alis Siya ng pandinig nila at mga paningin nila. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.